Saturday , November 16 2024

Kahit nasa fault line… Kaliwa Dam tuloy na tuloy, Palasyo tameme

IWAS-PUSOY ang Palasyo sa isyu nang pagtatayo ng Kaliwa Dam sa mismong dala­wang fault line kaya tinututulan ng iba’t ibang grupo ang China-funded project.

“So, siguro doon sa mga fault, I was informed that it’s not really…” paiwas na tugon ni MWSS Admi­nistrator Rey Velasco nang tanungin sa press briefing hinggil sa ale­gasyon ng mga kritiko na mapanganib ang Kaliwa Dam na itatayo sa Philippine Fault at Valley Fault System.

Naging masidhi ang pagtutol ng mga resi­dente, environmental groups at Simbahang Katolika sa Kaliwa Dam project mula pa noong administrasyong Arroyo at Aquino dahil itatayo ito sa sona ng Philippine Fault at Valley Fault System, isa itong “debt trap” na magiging sanhi nang pagbaha sa water­shed mula Infanta hanggang Tanay,Rizal; at binabalewala ang epekto ng climate change.

Para kay Velasco, gawa-gawa lang ang mga nasabing isyu.

“Ang dami riyan na issues pero actually, gawa-gawa lang iyan,” aniya.

Kinompirma niya na wala nang makapipigil pa  sa pagtatayo ng Kali­wa Dam, tapos na ang bidding sa proyekto at popondohan ito ng official development assis­tance fund ng China.

Sa katunayan, isa ito sa mga ipinunta ng high level delegation ng Palasyo sa China para bigyan ng development report hinggil dito at sa iba pang China-funded projects si vice president Wang.

Gayonman, inilinaw ng MWSS na hindi aabot sa mahigit US$800 milyon ang halaga o nasa US4248 milyon lamang o katumbas ng P12.2 bilyon ang halaga ng proyekto.

Inamin ni Velasco na nakahandang ibigay anomang oras ng MWSS ang P20 milyong ayuda para sa mga katutubong Dumagat na maaapek­tohan ng proyekto.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *