NILUSAW na ng Malacañang ang Government of the Republic of the Philippines (GRP) negotiating peace panel.
Sa harap ito ng realidad na wala namang nangyayaring negosasyon sang gobyerno sa pagitan ng (Communist Party of the Philippines-News People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Sa liham na ipinadala ng Office of the President, may petsang 18 Marso 2019, at pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ang termination ay epektibo agad.
Pangunahin sa mga terminated ang serbisyo dahil sa paglusaw sa GRP Panel ay si Secretary Silvestre Bello III na siyang tumatayong chairman, at mga miyembro nito na sina Antonio Arellano, Angela Librado Trinidad at Rene Sarmiento.
Kaugnay nito, inaatasan ang mga personalidad na i-turnover ang lahat na hawak nilang mga papeles, dokumento at mga property, sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process na pinamumunuan ni Secretary Carlito Galvez, Jr.
ni ROSE NOVENARIO