IPINATAWAG ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang ang mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na pasado 6:00 pm kahpon nakatakdang humarap kay Duterte ang mga opisyal ng MWSS para iulat ang sitwasyon ng tubig sa Metro Manila.
Noong nakalipas na Biyernes ay nagbaba ng direktiba si Pangulong Duterte sa MWSS na utusan ang Maynilad at Manila Water na agad magpalabas ng tubig mula sa Angat Dam para sa mga taga-Metro Manila.
Gusto rin ng Pangulo na magkaroon ng sapat na supply ng tubig sa loob ng 150 araw ang mga residenteng apektado ng krisis sa tubig sa kalakhang Maynila at lalawigan ng Rizal.
Nauna rito, inihayag ng Palasyo na artipisyal ang naranasang krisis sa tubig at ang tunay na dahilan ay mismanagement at inefficiency ng Manila Water.
(ROSE NOVENARIO)