PINAGBABAYAD ng rebate ni Mandaluyong City Rep. Quennie Gonzales ang Manila Water sa pagkabigong magbigay ng tubig sa kanilang concessions areas.
Ayon kay Gonzales nakaranas ng putol na serbisyo ng tubig ang ilan sa mga lugar sa Mandaluyong mula noong 7 Marso 2019.
“Mandaluyong City was made to endure the catastrophe and the disaster of this water crisis. It has turned the routine of our lives upside down. And despite the promises made by Manila Water of relief from this crisis, situations in some areas up to now still has not improved,” ani Gonzales.
“I would like to appeal to the officials of Manila Water to seriously consider offering a rebate or a discount at the very least in the water bills of Mandaluyong residents for the month of March, and at best for the duration of the crisis,” dagdag ni Gonzales.
Tinanggihan ng Manila Water ang pakiusap ni Gonzales.
Sa pagdinig ng Metro Manila Development Committee kahapon, ayon kay Ferdinand dela Cruz ng Manila Water magbabayad pa rin ang consumers nila ng minimun payment kahit walang tubig.
“One week na, almost two weeks na wala kayong tubig, mahina o walang tubig ang ating consumers kahit hindi kayo nakapag-deliver 24/7 they will still pay the minimum amount na ibabayad nila, correct?” tanong ni Zarate.
“You’re correct po, there is minimum amount,” sagot ni Dela Cruz.
Sinabi rin ni Dela Cruz na pag-uusapan pa ang request ni Gonzales sa refund.
“Malinaw na talong-talo ang consumers dito. Walang tumutulong tubig pero magbabayad pa rin sila ng minimum amount. Hindi ba talagang tubong tubig ‘yan? Hindi na tubong lugaw,” ani Zarate.
Ayon kay PBA party-list Rep. Jericho Nograles, kapabayaan ang dahilan ng pagkawala ng tubig ng Manila Water at hindi ang El Niño na gustong palabasin ng concessionaire.
(GERRY BALDO)