PINAG-AARALAN ng Palasyo ang pagbuhay sa panukala ng Japanese firm na itayo ang Kaliwa Dam .
“Well, I think, every proposal should be considered. The objective should always be the welfare of the people. The most beneficial, the most advantageous to the government and to the people should be the primordial consideration in any contracts involving the government and other private entities,” sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.
Batay sa pahayag ng Japanese company na Global Utility Development Corp (GUDC), interesado silang itayo ang Kaliwa Dam project sa ilalim ng Build-Operate-Transfer (BOT) scheme sa halagang $410 milyon kompara sa $800 milyong panukala ng China na uutangin sa kanila ng Filipinas para sa naturang proyekto.
Ayon sa GUDC, sa kanilang proyekto ay walang residenteng maaapektohan taliwas sa China funded na mawawalan ng tirahan ang 400 pamilya sa Infanta Quezon at 4,000 katao sa Tanay, Rizal.
Matatandaan, masidhi ang pagtutol ng mga residente, environmental groups at Simbahang Katolika sa Kaliwa Dam project mula pa noong administrasyong Arroyo at Aquino dahil itatayo ito sa sona ng Philippine Fault Zone at Valley Fault System, isa rin itong debt trap na magiging sanhi nang pagbaha sa watershed mula Infanta hanggang Tanay, Rizal at binabalewala ang epekto ng climate change.
(ROSE NOVENARIO)