IPINATAWAG ng Kamara ang mga opisyal ng Manila Water at iba pang may kinalaman sa pagkawala ng tubig sa ilang parte ng Metro Manila sa isang joint-hearing ng komite ng Metro Manila Development at ng Housing and Urban Development na pinamumunuan ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez.
Si Quezon City Rep. Winston “Winnie” Castelo, hepe ng komite ng Metro Manila Development, ang kasama ni Benitez sa pagdinig.
“We need to get a clear picture of the situation and how we’re going to deal with it because a lot of people are already getting adversely affected by the problem,” ani Castelo.
“We will need explanations from the concessionaires, regulators, and the experts why we got into this mess and their suggestion on how we can get out of it,” pahayag ni Castelo.
Ang mga lugar kung saan nagbibigay ng supply ang Manila Water kasama ang ilang bahagi ng Rizal ay nawalan ng tubig nang ilang araw habang ang Maynilad Water ay hindi.
“We have to look into the water shortage with dispatch and assure the people that the government is addressing the problem with assurance that it would not happen again,” ayon kay Benitez.
Kasama sa mga ipinatawag ng Kamara sina Quezon City Mayor Herbert Bautista, Pasig City Mayor Roberto Eusebio, Navotas City Mayor John Reynald Tiangco, Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi, Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, Manila Water chief executive officer (CEO) Ferdinand dela Cruz, Maynilad Water Services president and CEO Ramoncito Fernandez, Local Water Utilities Administration (LWUA) administrator Jeci Lapus, LWUA chairman Rogelio Uy,
Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) administrator Reynaldo Velasco, MWSS Regulatory Office chief regulator Patrick Ty, National Water Resources Board executive director Servillo David.
Ayon kay Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) party-list Rep. Jericho Nograles may pagkukulang ang Manila Water kaya nawalan ng tubig ang concession area nito.
Aniya, hindi El Niño ang dahilan ng kakulangan sa tubig.
“The water interruptions are localized within the concession areas of Manila Water. This is simply mismanagement. Manila Water should be truthful to the public instead of blaming Mother Nature for their negligence,” ani Nograles.
(GERRY BALDO)