Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dagdag pensiyon ng seniors, hinirit ni Jaye Lacson ng Malabon

TAMA naman ang mungkahi ng ating kaibigan na si dating Malabon representative Jaye Lacson-Noel na panahon na upang isulong ang pagdagdag sa buwanang social pension ng mga senior citizen mula P500 papuntang P1,200.

Noong 2010 pa mula nang naipasa ang batas at hindi na tumaas kailanman ang nata­tanggap ng mga nakatatanda gayong patuloy na tumataas ang mga pangunahing bilihin, lalo ang halaga ng kanilang mga gamot.

Ang totoo at nakalulungkot,  malaking bahagi ng buwanang pensiyon ng nakatatanda  ay ipinambibili lamang ng gamot.

Ayon sa Expanded Senior Citizens’ Act of 2010, may matatanggap na P500 monthly social pension ang mga indigent senior citizen ngunit kahit itinatakda din ng batas ang pagrerepaso rito kada dalawang taon ay hindi nabibigyan pansin ang patuloy na pagtaas ng mga bilihin na direktang tinatamaan ang mga senior.

Idagdag pa natin diyan ‘yung pagbigat sa buhay ng ating mga senior citizen nang ma­gsimula ang implementasyon ng  (Tax Reform for Accele­ration and Inclusion) TRAIN Law. Kulang na ku­lang na talaga ‘yung P500.

Nagma­malasakit  din ang dating three-term na kongresista dahil minsan ay pinanghi­hima­sukan ng pa­momolitika ang social pension payout ng mga senior citizens.

Sa Malabon nga mismo, may mga nag­reklamo na imbes maging maginhawa ang kanilang buhay ay pinahihirapan sila na makuha ang kanilang benepisyo. Mula sa maayos na payout ng city hall ay pinasok ito ng politika. Malinaw pa naman sa Implementing Rules at Regulation (IRR) ng batas na nasa Local Chief Executive o mayor ang implementasyon ng payout pero hindi ‘yata ganito ang kanilang sitwasyon.

Sana nga, maisulong ang suhestiyon ni Cong Jaye dahil siguradong mas maraming senior citizens hindi lang sa Malabon ang makikinabang kapag naisabatas ang dagdag sa buwanang social pension.

ABOT-SIPAT
ni Ariel Dim Borlongan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …