NANAWAGAN ang Palasyo sa mga senador at kongresista na wakasan na ang iringan sa panukalang 2019 national budget at ibigay sa sambayanang Filipino ang isang pambansang budget na makatutulong sa gobyerno na iangat ang antas ng buhay tungo sa kaunlaran ng bansa.
Ang pahayag ay ginawa ng Malacañang isang araw matapos ang pulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa liderato ng Senado at Kamara na may layuning wakasan ang stalemate sa isyu ng 2019 budget.
“We call on the Senators and Representatives to break the stalemate and deliver to the Filipino people an appropriations law that can aid this government better their lives and help our country move forward,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.
Ani Panelo, hanggang kahapon ay wala pa rin natatanggap ang Palasyo na General Appropriations Bill (GAB) kahit aprobado na ng bicameral conference committee noon pang 08 Pebrero.
“The Office of the President (OP) has yet to receive the enrolled General Appropriations Bill or GAB for this year despite the approval of the Bicameral Conference Committee of Congress of a version last February 8, 2019,” aniya.
“There is a budget impasse due to some constitutional questions raised by both chambers. Only Congress can resolve and break this impasse,” dagdag niya.
Giit ni Panelo, ginawa ng sangay ng ehekutibo ang tungkulin na isumite ang proposed budget nang maaga upang hindi maabala ang legislative process at maaprobahan ito sa oras ng Kongreso ayon sa kanilang constitutional mandate.
(ROSE NOVENARIO)