Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Galing nina Teddy at Calleja sa komedya, hahatulan sa Papa Pogi

NAINTRIGA raw ang netizens kaya naka-9 million views agad ang trailer ng pelikula ni Teddy Corpuz, ang Papa Pogi mula Regal Entertainment, Inc., na mapapanood na sa March 20.

Unang pelikula kasi ito ni Teddy na bago nga naman sa netizens. Pero ang pagpapatawa ay hindi na bago sa vocalist ng Rocksteddy dahil ginagawa na niya iyon sa It’s Showtime. Pero ang iarte ang pagpapatawa, ‘yun ang huhusgahan sa kanya. Itong Papa Pogi ang magsasabi kung pwede nga ba siyang maihanay o maisama sa mga comic actor natin ngayon.

Espesyal para kay Teddy ang pelikula dahil kasama niya ang iba pang makukulit na sina Myrtle Sarrosa at Donna Cariaga. “Plus samahan mo pa ng baliw na script,” sambit ng bokalista. “We believe maganda ‘yung movie na ito na steady laughter trip na magugustuhan ng madlang people.”

Ang istorya ng Papa Pogi ay iikot sa ama ni Teddy, si Joey Marquez, na isinumpa ng isang chaka girl. Ang sumpa, magkakaanak siya ng puro pangit kapag nag-asawa ng magandang babae. Ang inaasahan lang ng pamilya na makapuputol ng sumpa ay si Teddy na kailangang makapag-asawa ng chaka girl, ang character ni Donna.

Bale first movie ito nina Teddy at Donna at ganoon na lamang ang pasasalamat ng huli sa break na ibinigay sa kanya. ”Nagpapasalamat ako naging bida ako sa film dahil gusto ko talaga magpatawa. Sana bigyan nila ako ng chance,” sambit ng Funny One Grand Champion.

First directorial job din ito ni Calleja na kilala bilang stand-up comedian, host, actor, dating creative consultant ng It’s Showtime, isa sa writer ng Goin’ Bulilit, Funny Ka Pare Ko, at radio jock sa Boys Night Out ng Magic 89.9.

Kinilala na ang galing ni Calleja sa pagpapatawa. In fact, naging 1st runner-up siya sa Laugh Factory’s Funniest Person in the World 2016 at Best Stand-Up Comedian Aliw Awards 2017 kaya ‘wag magtaas ng kilay kung nabigyan siya ng chance ng Regal para magdirehe ng pelikula.

Ani Calleja, nararapat na tumuklas ng mga bagong komedyante kaya tamang-tama ang ibinigay na break ng Regal kay Teddy.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …