Friday , December 27 2024

Darren, kinilig kay Lani; Jona, grateful

NAGING matagumpay ang kauna-unahang pagsasama sa isang konsiyerto nina Jona, Darren Espanto, at Lani Misalucha sa The Acesconcert tour na ginanap sa Cebu noong February 2 at Davao noong March 2. At muli, sa Araneta Coliseum naman sila maririnig sa March 30, 2019, Sabado, 8:00 p.m..

Hinangaan ni Lani sina Jona at Darren sa galing mag-perform. Ani Lani kay Jona, “As you can see how cute and petite she is, but once she open her mouth and start few notes, you cannot avoid not to look at her, because sasabihin mo na nanggagaling ba ang boses na iyon sa kanya? She has this amazing voice, big voice in a tiny body.

“That’s how amazing she is. You know, once na nag-perform na siya you really cannot avoid to listen to her and watch her. But aside from that, ‘yung quality ng voice niya is beautiful. Nandoon ‘yung tone, ‘yung gusto kong marinig. The beautiful thing about her, when she’s not singing she is the Jona that not anybody knows. She’s a beautiful person inside at saka parang sa kanya eh, wala siyang masamang tinapay. Hindi ito namimili ng tao na pakikitunguhan niya.

“Si Darren naman being only 17, hindi naman siya tatawaging ‘the total performer’ kung hindi niya napu-prove iyon…because he is. ‘Yung boses niya parang hindi nanggagaling sa isang 17 year old young man. ‘Yun kasing quality ng boses niya parang mayroon siyang bitbit na emotion. At ang sarap pakinggan ng boses niya na malamig pero may depth. I don’t know how to explain it pero ganoon ang nakikita ko sa kanya.

“At kapag sumayaw naman, ‘my gosh, wow!’ He’s only 17 and what more kapag tumakbo pa ang mga taon niya sa industriya. I don’t wanna say he’s the next Gary V., but, you are Darren Espanto, you are going to be a much much more Darren Espanto in the next coming year. Amazing voice.”

Sobrang na-appreciate naman ni Darren ang mga compliment na sinabi ni Lani sa kanya. ”Nakakakilig po, salamat,” sukling tugon ng magaling na singer.

“Eversince naman po fan na rin ako ni Ms. Lani Misalucha. Noong bata pa ako, ‘yung mga song niya sa album niya noon, ipinanlalaban ko sa mga singing contest din, kaya alam na alam ko ang mga kanta niya,” ani Jona. ”Ito pong moment na katabi namin si Ms. Lani and hearing those words from the Asia’s Nightingale, sobrang nakatataba ng puso na someone rito po sa industry na kasinglaki ni Ms. Lani Misalucha eh, naa-appreciate ‘yung talent namin ni Darren.

“So, we’re very very grateful dahil napaka-generous din po niya as an artist na pumayag siya na makasama kami sa concert.

“Forever po namin itong ite-treasure,” giit pa ni Jona.

At kahit sanay nang magtanghal si Lani, aminado siyang lagi pa ring ninenerbisyo, maliit man o malaking pagtatanghal.

“Lalo na first time kaming magkasama sa isang concert, lalong nakaka-nerbiyos iyon.

“Lalo’t hindi namin alam kung ano ang mangyayari sa concert. Maraming puwedeng mangyari tulad ng teknikal na palpak, o ikaw mismo ang performer mo na baka hindi lumabas ang boses mo. ‘Yung mga ganoon pati ‘yung kung ano ang magiging reception ng mga tao.

“But then, nakita naman namin na napakaganda at napakasarap ng pakiramdam na specially after the concert we are hearing beautiful comments.

“Sa totoo lang hindi kami nagyayabang na we are really happy we found out that people were really happy of our show.”

Hindi rin naman naitago ni Darren ang kasiyahang nakasama si Lani sa concert. Aniya, ”It’s an honor to share the same stage with Lani. We learned so much from her lalo na ‘yung pagiging professional and pagiging stay humble all these years.”

“Wish ko talagang makasama sa isang concert si Lani at hindi ko inakalang magkakatoo siya sooner, kaya sobrang happy ako na makasama ko siya sa stage,” dagdag naman ni Jona.

Kaya sa March 30, pupunuin ng Fearless Diva, Total Performer, at Asia’s Nightingale ng mga bonggang production numbers ang Big Dome para sa konsiyertong mula sa director na si Marvin Caldito kasama si Jimmy Antiporda bilang musical director.

Susundan nito ang back-to-back success ng The ACES concerts sa Visayas at Mindanao na ginanap sa Waterfront Cebu at SMX Convention Center sa Davao City.

Ito’y one-of-a-kind show ng tatlong henerasyon ng magagaling na mang-aawit na  handog ng Star Music, Star Events, at CCC Productions. Kasama rin ang PLDT Home bilang co-presentor.

Maaaring bumili ng ticket sa Ticketnet Online. Para sa karagdagang impormasyon, i-like ang Star Music sa facebook.com/starmusicph, at sundan ito sa Twitter at Instagram @ StarMusicPH.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *