Sunday , December 22 2024

Budget hostage ni Lacson — Solon

BINATIKOS ng isang kongresista si Sen. Panfilo Lacson kahapon dahil sa umano’y pag-hostage sa panukalang 2019 national budget.

Ayon kay Rep. Anthony Bravo ng party-list na COOPnatco, may personal na galit si Lacson kay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo kaya niya iyon ginagawa.

“Ngayon, pinaka-latest ho ngayon, the way I look at it, in my own assessment, Sen. Ping Lacson is holding the budget hostage because of personal vendetta to our Speaker GMA,” ayon kay Bravo, miyembro ng House minority bloc na pinamumunuan ni Quezon Rep. Danilo Suarez.

Si Suarez ay isang supporter ni Arroyo.

Ani Bravo, wala man lang sinabing mabuti si Lacson tungkol kay Arro­yo mula nang umupo bilang speaker.

Aniya, wala naman siyang personal grudge kay Lacson pero sa tingin niya may agenda ang senador kay Arroyo.

“I think the agenda is clear: he doesn’t want the Speaker to be successful in her leadership as the Speaker, and it’s the budget. I know the majority of the senators want to pass the budget, but I wonder why they are quite about the remarks of their colleague, Sen. Ping. Are they afraid of something or do they have something to hide?” ani Bravo sa isang press conference sa Kamara.

Idinipensa ni Bravo ang Kamara.

“The House did not do anything illegal in the budget. I’ve been part of the Bicam, and I can attest that discussions were made,” paliwanag ni Bravo.

Sa panig ni Camarines Sur Rep. Rolando Anda­ya, ang problema ay nasa Senado.

Hindi, aniya, naka-itemize ang pondo ng mga senador at hindi rin nakalagay kung kaninong pondo.

ni Gerry Baldo

 

Walang bago sa alegasyon ni Andaya — Lacson

IGINIIT ni Senador Panfilo Lacson na walang bago sa mga alegasyon ni House Appropriations Committee Chairman Rolando Andaya sa umano’y realignment na ginawa ng mga senador.

Ayon kay Lacson, ang alegasyon ni Andaya na P75 bilyong ‘singit’ ay matagal nang pinag-usapan sa interpellation sa budget hearing sa senado.

Binigyang diin ni Lacson na nasa National Expenditure Program (NEP) ang inilagay ni DBM Secretary Benjamin Diokno pero hindi alam ni DPWH Secretary Mark Villar ay tinanggal na ng senado.

Sinabi ni Lacson, ma­ging ang P25 bilyong realignment ng mga sena­dor ay hindi na rin bago sa kanyang pandi­nig.

Itinama ng senador na hindi ito P25 bilyon kundi ito ay P23 bilyon na kan­yang ibinulgar sa pagdinig sa senado.

Dagdag ni Lacson, idinetalye niya sa senado na sa flood control at road construction napunta ang realignment kung kaya’t walang bago sa mga expose ni Andaya.

Sa kabila nito hinika­yat ng senador si Andaya na maglabas ng mga dokumento sa mga posi­bleng bagong akusa­syon at sasamahan niya ang kongresista sa paglaban dito.

Simula’t simula pa umano ay tutol sa ano­mang uri ng pork barrel ang mga mamba­batas kaya simula nang maging senador ay hindi siya tumatanggap ng pork.

(CYNTHIA MARTIN)

62 mambabatas apektado ng dagdag bawas sa Kamara — Drilon

IBINULGAR ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hindi ordinar­yong itemization sa P79-bilyong budget ng mga kongresista ang ginawa ng liderato ng Kamara kundi realignment ng budget ng bawat distrito.

Kasunod ng pag-amin ni Drilon na may dala­wang kongresista mula sa Visayas at sa Luzon na nagkaroon ng dagdag bawas pabor sa mga mambabatas na kaalyado ni Speaker Gloria Maca­pagal Arroyo.

Ayon kay Drilon, mismong ang dalawang kongresista ang nagsabi na 62 mambabatas sa Mababang Kapulungan ang tinapyasan ng budget sa distrito lalo ang mga kaalyado ng dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

Kasabay nito hiniling ni Drilon kay Finance Com­mittee Chair Sena­dora Loren Legarda na humingi ng kopya ng mga detalye ng ginawang realignment ng house matapos aprobahan sa Bicam at ratipikasyon ng senado at kongreso.

Dagdag ni Drilon, kung talagang ipipilit ng Kamara sa kanilang pagbabalik sa 20 Mayo, kanyang hihilingin ang reconvene ng Bicameral Conference Committee para sa 2019 national budget.

(CYNTHIA MARTIN)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *