Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea, manggugulat sa Eerie

PAREHONG first timer sa paggawa ng horror film sina Bea Alonzo at ang magaling na direktor na si Mikhail Red kaya naman kapwa ikinararangal nila ang pelikulang Eerie handog ng Star Cinema at Cre8 Productions na mappanood na sa March 27.

Ito naman ang kasunod na proyekto ni Charo Santos simula nang magbalik sa pag-arte matapos ang kanyang pagganap noong 2016, sa Ang Babaeng Humayo ni Lav Diaz.

Ang Eerie ay tungkol sa misteryo sa likod ng sunod-sunod na pagkamatay ng mga estudyante ng Sta. Lucia Academy, isang konserbatibong all-girls Catholic high school.

Una na palang naipalabas ang Eerie sa Singapore International Film Festival noong Disyembre 2018.

Ani Bea, “ito ang unang horror film ko at isang karangalan na magawa ko ito kasama ang nag-iisang Charo Santos-Concio. Matagal siyang hindi gumawa ng horror film simula ‘Itim’ noong late 70’s. Hanggang ngayon hindi ko masabi kung gaano ako kasaya a para rito.”

Naging interesado naman si Ms. Charo na gawin ang Eerie dahil, “it’s a horror script pero tinatalakay din ng pelikula ang mahahalagang issue tungkol sa doktrina, siyensiya, paniniwala, at kaisipan. Dalawang magkaibang karakter, dalawang magkaibang paniniwala.”

Sambit naman ni Red, “first time kong gumawa ng horror at kapag gumagawa ako ng bagong genre, ibinabase ko talaga sa napaka­raming idea na nakuha ko sa aming pagre-research.”

Makaka­sama rin sa Eerie sina Jake Cuenca, Maxene Magalona-Mananquil, Gilliam Vicencio, Mary Joy Apostol,  at Gabby Padilla.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …