Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Teddy, ipinagpaalam sa asawa, pakikipaglaplapan kina Myrtle at Donna

EXCITED ang frontman ng bandang Rocksteddy na si Teddy Corpuz dahil sa unang pagkakataon ay may nag-alok sa kanyang maging bida ng pelikula, ang Papa Pogi.  At dahil chick boy ang role niya kaya kakailanganin ng kissing scenes base sa script ni Alex Calleja na siya ring direktor ng pelikula.

Pero bago ito ti­nang­gap ni Teddy ay katakot-takot na paalam at paliwanag ang ginawa niya sa misis niyang si Jasmin Corpuz na ipinagmamalaki niyang mahal na mahal niya sa buong mundo.

Makaka-kissing scene ni Teddy ang isa kina Myrtle Sarossa at Donna Cariaga na kung ilarawan ng singer/actor ang mga leading lady niya na konserbatibo pero naiintindihan niya iyon dahil maski siya ay nagpaalam.

Kuwento ni Teddy sa mediacon ng Papa Pogi, ”kailangan ko rin po magpaalam sa misis ko kahit comedy kasi siyempre ‘pag may asawa ka tapos medyo hindi mo sinabi sa misis mo ‘yung pelikula na may kissing scene ka, yari ka pag-uwi mo ng bahay,  ganoon po.

“‘Yung sa kissing scene po mayroon kaming medyo malalang kissing scene kay Myrtle po kaya ipinaalam ko po ‘yun sa misis ko, sabi ko, ‘Be, medyo madugo ‘yung kissing scene namin bukas (shooting),’ sabi ko ‘sana hindi ka magalit, sana okay pa rin ang relationship natin kapag nakita mo ‘yung pelikula.’

Usapan po kasi namin ng misis ko kapag may kissing scene explain ko muna sa kanya kasi laplapan ng tonsil ‘yung mangyayari sa akin,’” natatawang kuwento nng actor.

Natanong muli si Teddy kung off camera ay may kissing scene na naganap, “wala naman po, wholesome po kami..”

Nabanggit pa ni Teddy na ayaw na ayaw niyang sasama ang loob ng nanay ng dalawa niyang anak at 13 taon na silang mag-asawa kaya talagang lahat ng galaw niya ay ipinaaalam niya.

Mapapanood na ang Papa Pogi sa Marso 20 kasama sina Myrtle, Lassy Marquez, Dawn, Donna, Nonong Ballinan produced ng Regal Entertainment .

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …