Thursday , December 26 2024

Sinag Maynila, aarangkada na

SA pagdiriwang ng ikalimang taon ng Sinag Maynila: Sine Lokal, Pang Internasyonal, isa ang pelikulang Jesusa ni Sylvia Sanchez na mapapanood simula sa Abril 4.

Ang Jesusa ay idinirehe ni Ronald Constantino produced ng OEPM Productions.

Base sa kuwento ng isa sa supervising producer na si Daddie Wowie, plano nila talagang isali sa iba’t ibang film festivals ang pelikula ni Ibyang (tawag kay Sylvia) kaya naman labis silang natuwa na isa sila sa napili ni Direk Brillante Mendoza, isa sa punong abala ng Sinag Maynila kasama ang Solar Entertainment producer na si Mr. Wilson Tieng.

Ililibot muna namin ang movie sa mga film festival bago ang mismong playdate,” saad ni Daddie Wowie.

Sa opening night ay mapapanood ang three-part omnibus film na Lakbayan na idinirehe nina Brillante, Lav Diaz at National Artist for FilmKidlat Tahimik na pawang mga awardee ng Berlin International Film Festival.

May Sinag Maynila forum sa Abril 6, Sabado, mula kina Joanne Goh, chairman ng Malaysia International Film Festival at Young-woo-Kim,programmer ng Busan International Film Festival, may Fellowship Night ang Film Development Council of the Philippines (FDCP), screening at symposium ng environmental film hatid ng The Plastic Solution, Film Editing Workshop mula sa Edge Manila Creatives at screening ng Journey, Asian Three-Fold Mirror project ng Japan Foundation na mangyayari naman sa Abril 8, Lunes para sa closing ceremony ng festival.

Ang mga pelikulang kasama sa Sinag Maynila 2019 Gabi ng Parangal ay ang mga sumusunod.

Sa Full length kabilang ang Akin ang Korona (The Crown is Mine)—Zig DulayJesusa—Ronald CarballoJino to Mari (Gino and Marie)—Joselito AltarejosPailalim (Underground)—Daniel Palacio; at Persons of Interest—Ralston Jover.

Ang mga Short film ay, Bispera (Eve)—Ralph QuincenaDana Jung—John RogersDude Pare Bro—Lora CerdanKilos—Marjon SantosKiss—Harlene BautistaMarian—Brian Patrick LimMemories of the Rising Sun—Lawrence FajardoNagmamahal Sal (Love Sal)—Jeff Subrabas; Ngiti ni Nazareno (The Smile of Nazareno)—Louie IgnacioPanaghoy (Lamentation)—Alvin Baloloy.

At ang Documentaries ay, Andap (Flicker)-1Calista Allyson at Roma Mangahas; At Home—Arjanmar H. Rebeta, Entablado (The Stage)—Lie Rain Clemente at Nori Jane Isturis; Hope Spots—Joseph Dominic Cruz; Hyatt: Mga Kuwento, Lihim at Katotohanan (Hyatt:  Stories, Secrets and The Truth)—Jayvee Bucsit; at Tata Pilo—Dexter Macaraeg.

Ang Sinag Maynila ay handog ng McDonalds at co-presented ng Nissan in partnership with FDCP in celebrations of 100 Years of Philippine Cinema.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *