AMINADO si Pangulong Rodrigo Duterte na mauubos ang mga sundalong Pinoy kapag nakipagdigma sa People’s Liberation Army (PLA) ng China.
Sa kanyang talumpati sa Negros Occidental noong Biyernes, sinabi ng Pangulo na mayamang bansa ang China at may mga modernong armas pandigma kaya’t magreresulta sa masaker kapag sumabak sa digmaan ang mga sundalong Pinoy.
“If we go to war against China, I would lose all my soldiers just as they are leaving for the war. It will be a massacre. We don’t have the capacity to fight them,” anang Pangulo.
“Now that they are rich country, they have plenty of good quality weapons…for many years, they were ordered by their president to keep on creating guns,” dagdag niya.
Gayonman, determinado ang Pangulo na protektahan ang bansa laban sa mga mananakop pero ang China aniya ay napakalayo ang posisyon sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.
“They are only up to that point. Nobody said before that we should place cannons and machine guns here. So China claimed it. E ‘di they are only up to there,” sabi ng Pangulo.
(ROSE NOVENARIO)