Monday , December 23 2024

5 kandidato ni Duterte, umangkas sa Magic 12

NANGUNA si Sen. Grace Poe sa pinakahuling sur­vey ng Social Weather Station (SWS) sa senatorial bets para sa 2019 midterm elections.

Batay sa resulta ng survey na isinagawa noong 25-28 February sa buong bansa ay lumala­bas na nangunguna pa rin sina Poe pumangalawa si Senadora Cynthia Villar at umakyat sa ikatlong puwesto mula sa ika-5 at ika-6 na puwesto si dating Special Assistant to the President Chris­topher “Bong” Go.

Sinundan siya ni da­ting Senador Pia Caye­tano sa ika-4 na puwesto, si dating Senador Lito Lapid ang nasa ika-5, ika-6 si Senator Sonny Anga­ra, at ika-7 si Senador Nancy Binay.

Nagpantay ang nakuhang ratings nina dating Senador Jinggoy Estarda at dating Senador Mar Roxas sa top 8 at 9 habang tatlo ang nagpan­tay-pantay sa mga puwestong 10-11 at 12 sina Senador Bam Aqui­no, dating Senador Bong Revilla at dating PNP Chief Bato Dela Rosa.

Sina Go at Bato ay pawang kasama sa sena­torial slate ng adminis­tration party PDP-Laban habang sina Angara, Villar  at Cayetano ay pawang “guest candi­dates” ni Pangulong Rodrigo Duter­te. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *