Saturday , November 16 2024

Infra projects sa Build Build Build project nakabinbin

APEKTADO ang malalaking proyektong pang-empraes­truktura sa ilalim ng Build Build Build program ang naantalang pagpasa sa 2019 national budget.

Sa press briefing sa Palasyo kahapon, tinukoy ni Transportation Under­secretary Timothy John Batan ang MRT 3 reha­bilitation, common station o North extension project para sa LRT 1 North Avenue, Metro Manila Subway  at South Commuter Rail.

Bahagi aniya ng pon­dong gagamitin sa mga proyektong nabanggit ay huhugutin sa 2019 national budget.

Sa kabila nito, tiniyak ni Batan na on time pa rin naman ang pag-usad ng mga proyekto kahit maantala nang kung ilang linggo ang pag-aproba sa proposed national budget na nagka­kahalaga ng P3.757 trilyon.

Ginagawa aniya nila ang lahat ng paraan para malagpasan ang mga hamon, kabilang ang paggamit sa mga lupain ng gobyerno para hindi na magkaproblema sa right of way, gayondin ang pakiusap sa contractors at stake­holders na paluwalan muna ang bayad sa mga bibilhing spare parts sa linya ng tren para masimulan ang pro­yekto.  (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *