Saturday , November 16 2024
gun QC

Bebot gustong kumalas sa BF patay sa 2 beses putok ng baril

PATAY ang 24-anyos babae makaraang dala­wang beses barilin ng kani­yang kinakasamang lalaki nang hindi matanggap ang hiwalayan blues,  sa Quezon City, ayon sa ulat kahapon ng pulisya.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD)  Batasan Police Station (PS 6) commander P/Lt. Col. Joel Villanueva, ang biktima na si Divina Buere Catina, 24, walang trabaho, tubong Bicol at residente sa Lower Baya­nihan St., Brgy. Com­monwealth, QC.

Siya ay namatay habang inooperahan sa East Avenue Medical Center dahil sa dalawang tama ng bala ng kalibre .45 sa likuran.

Agad  naaresto ang suspek na live-in partner ng biktima na si Rege­naldo Bulye Galaygon, alias Dong, 53 anyos.

Ayon kay PO1 John Mark Calda, ang pama­maril  ay naganap dakong 9:10 pm sa  tahanan ng live-in partners.

Sa pahayag ng sak­sing si Luie Flores Orica, 28, kapitbahay ng biktima, nagtungo ang suspek sa tahanan ng kaniyang live-in partner na si Catina pero maka­lipas ang ilang minuto ay naulinigan na niyang nag-aaway ang dalawa at saka nakarinig ng dalawang putok ng baril.

Makaraan,  nakita niyang duguang tuma­tak­bo palabas ng bahay ang biktima habang humihingi ng saklolo kaya agad tinulungan ni Orica at isinugod sa ospital.

Nabatid na nakiki­pag­hiwalay ang biktima sa suspek at posibleng dahil hindi matanggap ng lalaki ang desisyon ng babae kaya niya binaril.

Naaresto ang suspek ng mga nagrespondeng pulis sa kanilang bahay.

Nasamsam sa crime scene ang isang kalibre .45 pistol na may maga­zine at may laman na limang bala, may serial number 812978.

(ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *