NAGBABALA si House minority leader Danilo Suarez kahapon sa dumaraming aso na walang bakuna.
Ayon kay Suarez umaabot na sa 9 milyon ang aso sa bansa at 10 porsiyento lamang dito ang may bakuna.
Sa kabila nito, sinabi rin ni Suarez na walang anti-rabies vaccine ang mga ospital ng gobyerno sakaling makagat ng dumaraming asong walang bakuna.
“May nakagat ng aso at walang gamot sa rabies ‘yung ospital,” ani Suarez sa isang press conference kahapon.
Ayon kay Suarez, apektado na ang pangunahing serbisyo sa tao sa hindi pagpasa ng 2019 pambansang budget ng Kongreso.
“So that’s a risk in terms of the safety of our citizen na nakakagat ng aso considering that rabies is fatal,” ani Suarez.
Aniya dapat nang tiyakin ng Kongreso sa susunod na taon naa magkaroon ng sapat na budget ang mga ospital sa pagbili ng anti-rabies vaccine at iba pang kagamitan.
Isinisi ni Suarez ang kawalan ng mga gamot sa ospital ngayon sa delay na pagpasa ng 2019 budget.
“The current lack of funds of public hospitals is due primarily to the delayed passage of the 2019 proposed national budget,” ani Suarez.
ni Gerry Baldo