ANG paglalabas ng listahan ng narco-politicians ay labag sa karapatang pantao at paraan ng panlalamang ng gobyernong Duterte sa nga kalaban sa politika.
Ayon kay Akbayan Rep. Rep Tom Villarin, ang listahan ay isang “virtual death warrant” para hiyain ang politiko at kanyang pamilya sa publiko.
Ani Villarin, magiging target rin ito ng mga death squad habang ang mga kaalyado ni Pangulong Duterte ay buburahin sa listahan.
“It is not the President who should be the accuser, judge and executioner all at the same time. Without affording these politicians due process, it is highly unconstitutional and a grave abuse of authority. Malacañang should rethink such plan and defer to reason,” ani Villarin.
Aniya ang naunang listahan ng pangulo ay may mga pagkakamali sa kadahilanang “raw information” ito.
Ang sigurado, aniya, ang pagsasampa ng kaso laban sa kanila para ang korte ang magdesisyon kung nagkasala ang isang politiko o hindi.
ni Gerry Baldo
Hamon sa ilalabas
na narco-politicians
MAGDEMANDA KAYO!
— PALASYO
HINAMON ng Palasyo ang mga politikong kasama sa narco-list na nakatakdang ibunyag ng Department of Interior and Local Government (DILG) na magsampa ng kasong libel kung mapapatunayan na walang basehan ang akusasyon sa kanila.
“The fear that it may destroy the presumption of innocence, to my mind there is a judicial remedy for that: If you feel that you’ve been libeled, you can always go to the courts,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo sa press briefing sa Palasyo kahapon.
Giit ni Panelo, hindi paninira lang ang pakay nang paglalabas ng narco-list kundi pagbibigay impormasyon sa publiko sa tunay na pagkatao ng mga kandidato.
Ngunit ang pagsasampa ng kaso laban sa narco- politicians ay ibang usapin dahil kailangan aniya ng documentary at testimonial evidence upang lumarga ang kaso sa korte.
Pero walang naisagot si Panelo kung may nasampahan ng kaso sa mga naunang isiniwalat na narco-list ni Pangulong Duterte.
“I will have to ask the PNP and the DOJ on that,” aniya.
(ROSE NOVENARIO)