IBINASURA ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang hamon na debate ni senatorial candidate Neri Colmenares kaugnay sa loan agreements ng Filipinas at China.
Sinabi ni Panelo na nais lang ni Colmenares na makakuha ng atensiyon sa media para maisulong ang kandidatura.
“Challenging a publicly visible government official to a debate attracts media attention. Surely Mr. Neri Colmenares knows how to grab at a media op to improve on his fledgling candidacy,” sabi ni Panelo.
Nauna nang kinuwestiyon ni Colmenares ang pagkadehado ng Filipinas sa US$62-M deal sa Chico River Pump Irrigation Project.
Giit ni Panelo, nasagot na ng economic managers ng administrasyong Duterte ang mga kuwestiyon ni Colmenares sa naturang kasunduan at kung hindi pa kontento ang senate bet ay malaya siyang idulog ang usapin sa hukuman.
ni ROSE NOVENARIO