TUMANGGAP ng mga patrol car ang 75 barangay sa Dasmariñas City mula kay Rep. Jenny Barzaga at kay Mayor Elpidio F. Barzaga, Jr., kahapon.
Ayon kay Cong. Barzaga kailangan ng mga barangay ang patrol cars, na may nakakabit na CCTV, para sa kaligtasan ng mga tao at para sugpuin ang kriminalidad na bumaba sa halos 50%.
Kasama sa mga ibinigay kahapon ang dalawang mobile outpost para sa pulis. Ang turnover ng patrol cars ay ginawa sa Dasmariñas Integrated High School (DIHS) Open Grounds pakatapos basbasan ni Father Gabriel Chiniona.
Ayon kay dating governor Jonvic Remulla, nakainggit na ang Dasmariñas City.
Nagpasalamat si city chief of police, Supt. Nerwin Ricohermoso sa ibinigay na patrol cars at mobile police outpost.
“Deterrence of crime has always been the primary mission of the city government. Throughout the years, maintenance of public order, peace, safety, and security has been proven central to the City’s continued growth and progress,” ani Mayor Barzaga.
Ayon kay Rep. Barzaga nakatuon ang lungsod sa pagbalangkas ng mga pamamaraang makabago para maging mahusay at epektibo sa pagsisilbi sa tao ng Dasmariñas.
Lahat ng patrol car ay may camera at CCTV monitor, blinker at wangwang.
Ang dalawang mobile police outpost ay may built-in LED wall, LED panel lights, 1 HP aircon, CCTV system with five (5) cameras, at i5 desktop computer, wi-fi, at 8-channel network video recorder, bukod pa sa blinker at fog lights.
Mayroon din itong cold water dispenser.
Gumastos ang lungsod ng P83,382,000.00 para sa pagbili ng mga Toyota Hilux patrol cars at P6,915,000 para sa dalawang mobile police outpost.
Ayon kay Mayor Barzaga mas mapabibilis ang response time ng law enforcers sa krimen at sa emergency cases.
(GERRY BALDO)