NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na ipasasara ang Philippine Long Distance Telephone (PLDT) company kapag hindi nagdagdag ng linya para magamit na hotlines sa mga reklamo ng publiko sa mga serbisyo ng gobyerno.
Ayon kay Pangulong Duterte, may utang sa gobyerno na P8 bilyon ang PLDT. “If you see corruption, tell me. Call 8888. Bong, add another trunk line. The present setup can’t accommodate all the calls. It’s always busy . Tell PLDT. If not, I’ll shutdown their business. Oo that’s true . I don’t want to brag but they owe government P8 billion. No President has ever asked for payment,” aniya sa talumpati sa Cebu City kamakalawa.
Ang PLDT ay pagmamay-ari ng tinaguraing ‘presidential dummy’ na si Manny V. Pangilinan.
Matatandaan na itinatag ang 8888 Citizens Complaints Center sa bisa ng Executive Order No. 6 na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong 2016 para tumanggap ng mga reklamo at hinaing ng mga mamamayan sa mga opisyal at serbisyo ng pamahalaan.
(ROSE NOVENARIO)