ANG pagbagsak ng bulto-bultong cocaine at iba pang uri ng illegal na droga sa bansa ay isang malinaw na indikasyon na bigo ang Pangulong Duterte sa kanyang madugong “war on drugs.”
Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin, ‘yung mga nahuling “cocaine bricks” sa karagatan ng bansa ay isang babala sa mas malaking shipment ng droga.
“The recent seizures of cocaine bricks along the vast expanse of our country’s coastlines may just be the tip of the iceberg of a booming international drug trade in the Philippines, contrary to the Duterte administration’s pronouncements of a successful drug war,” ani Villarin.
Aniya, nakaaalarma ang mga balita na patuloy ang pagdating ng droga sa gitna ng napakaraming namatay sa laban sa droga.
Karamihan ay mula sa hanay ng mahihirap.
“It is alarming and puts into the spotlight whether President Duterte’s drug war has been effective in curtailing drug trafficking. While thousands of drug users mostly the poor have been liquidated, no big-time narco trafficker or syndicates have been apprehended or dismantled,” ani Villarin.
Ang daan-daang kilo ng cocaine at shabu na dumarating sa Customs ay patunay na nagpipiyesta ang mga drug trafficker sa panahon ni Duterte.
Nauna nang inamin ng hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency na tama si Pangulong Duterte nang sabihin niya na pumapasok na ang Colombian drug cartel sa bansa base sa mga nakuhang sampol ng droga sa Matnog, Sorsogon.
ni Gerry Baldo