Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, laging handang tumulong

ABALA ang kaibigang Jun Lalin isang gabi habang nasa thanksgiving presscon ni Cong. Yul Servo sa 77 Limbaga Café sa pangongolekta para maidagdag bayad sa hospital bill ng indie aktor na si Kristofer King sa ilang entertainment press.

Ani Jun, hindi pa maibigay ang death certificate ng aktor dahil hindi pa bayad sa ospital.

Matapos ang presscon, nagtungo na ang ilang kapatid sa panulat sa burol ni King at nadatnan nila ang aktor na si Coco Martin na nakikiramay. Pero bago iyon, nakapagpadala pala muna ng bulaklak ang aktor noong umaga at nang gabi’y at saka nakiramay kasama si Direk Brillante Mendoza.

Kuwento ng asawa ni King na si Nikki, ukol sa bulaklak na isinulat ni Jerry Olea sa pep.ph”Hindi ko masyadong inaasahan si Coco kasi busy siya. Alam kong busy ang taong ‘yan eh.”

At kinagabihan ng Lunes, 10:00 p.m. dumating si Coco kasama si Direk Brillante. Nakapag-usap ang aktor at asawa ni King at tinanong ng aktor kung magkano ang lahat ng babayaran at paanong nangyaring namatay agad ang kaibigang aktor.

Nang maikuwento lahat ng asawa ni King, sagot ni Coco, ”Sige, sagot ko na lahat.” Ibig sabihin, sasagutin lahat ni Coco ang mga gastusin mula sa hospital at pagpapalibing at iba pa.

“Para akong binagsakan ng langit at lupa,” susog ng asawa ni King.

Kaya naman posibleng makuha na ni Nikki, ang death certificate ni Kristofer sa Adventist Medical Center Manila at sa March 3 naman ang libing ng indie aktor sa Manila Memorial Park, Sucat, Paranaque.

Nagkasama sina Coco at Kristofer sa mga pelikulang Masahista at Serbis gayundin sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Muli, ipinakita ni Coco ang kabutihan ng kanyang puso. Hindi siya nakalilimot sa mga taong nakasama niya at laging handang tumulong sa mga nangangailangan. Mabuhay ka Rodel Nacianceno.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …