NADISKUBRE ang naagnas na bangkay ng isang laborer dahil sa masangsang na amoy sa loob ng inuuupahang bahay sa Muntinlupa City, iniulat kahapon.
Kinilala ang biktimang si Dennis Deocareza, 28, may kinakasama, at nangungupahan sa Phase 4, Block 49 Lot 34, Southville 3 NHA, Barangay Poblacion, Muntinlupa City.
Base sa ulat ng Southern Police District (SPD), dakong 7:00 am, natagpuan ng kanyang kasera na si Marilyn Janaban, 50, ang bangkay ng biktima sa loob ng nirerentahang bahay.
Sa inisyal na imbestigasyon, unang nakapansin ng mabahong amoy ang mga kapitbahay ni Deocariza mula sa kanyang tirahan.
Ipinaalam nila agad kay Janaban upang silipin ang loob ng bahay, dito nakitang nakahandusay sa sahig ang biktima.
Humingi ng tulong si Janaban sa mga kapitbahay upang sirain ang door knob hanggang tumambad ang naaagnas na bangkay ni Deocariza.
Sa isinagawang ocular investigation ng awtoridad, wala namang nakitang sugat sa katawan ng biktima.
Dinala ang labi ng biktima sa Loreto Funeral Services upang isailalim sa awtopsiya.
(JAJA GARCIA)