Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mobile Number Act nilagdaan ni Duterte

NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Mobile Number Portability Act o ang Republic Act number 11202 na may layuning mabigyan ng mas malawak na kalayaan ang consumer sa pagpili ng kanilang mobile service provider base sa kalidad ng serbisyo at presyo nang hindi na kinakailangan magpalit ng mobile number.

Sa ilalim ng batas, maaari na rin lumipat ang mga subscriber sa kanilang mapipiling subscription o mula sa postpaid tungo sa prepaid o puwede rin naman mula sa prepaid patungo sa postpaid nang hindi na kinakailangan magpalit ng mobile number.

Hinihikayat din ng batas ang mga mobile service providers na isulong ang maayos na kompetisyon at magbigay ng mas magandang serbisyo sa kanilang subscribers o sa consu­mers.

Batay sa batas, hindi maaaring tanggihan, pigilan o huwag iproseso ng isang Public Telecommunications Entity o PTE ang aplikasyon ng isang subscriber na gustong mag-avail ng Mobile Number Portability o MNP at libre rin ang serbisyo nito.

Libre dapat na ibigay ng mga PTE ang serbisyo ng pag unlock ng mobile phone ng kanilang mga service providers na gustong mag-avail ng MNP.

Inaatasan ang mga PTE na pangalagaan ang privacy ng kanilang subscribers base sa mga nakasaad sa Data Privacy Act of 2012.

Magiging epektibo ang batas 15 araw matapos  mailabas sa official gazette o iba pang diyaryo na mayroong general circulation at kailangan makabuo ng Implementing Rules and Regulations sa loob ng 90 araw upang maayos na maipatupad ang batas. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …