Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Butt Puwet Hand hipo

Lady service crew tinapik sa puwit Koreano arestado

HINULI ang isang Korean nang bastusin ang isang service amba­ssador crew sa loob ng isang hotel-casino sa Pasay City, nitong Lunes.

Nasa detention cell ng Pasay City Police ang suspek na si Lim Deuk Youl, 49, may asawa, isang Korean national, at naninirahan sa Saracota Residential Resort Cluster 5, Room 23, Newport City, Barangay 183, Villamor sa nasa­bing lungsod.

Kinilala ang bikti­mang si Sharlene Gison, 24, dalaga, isang service ambassador crew sa Resorts World Manila (RWM) sa Bgy.183, Villamor, Pasay City.

Base sa ulat ni SPO2 Maricel Garcia, may hawak ng kaso, naganap ang insidente sa loob ng Grand  Wing, RWM, 5:00 ng madaling araw.

Ayon sa imbes­tiga­syon, pagkatapos ma­ku­ha ng biktima ang inorder na pagkain ng sus­pek at kasama ni­tong lalaki, tinanong umano ni Gison kung saan ilalagay ang kani­lang mga inorder.

Habang naghihintay ng sagot, kinolekta ng biktima ang mga naga­mit na tasa ng kape sa mesa, nang biglang tapikin o paluin umano ng kamay ng suspek ang puwitan ni Gison, bagay na pinagtawanan pa ng kasamang lalaki ni Youl.

Dali-daling humingi ng tulong si Gison sa guwardiyang si Rose­belt de Guzman at ipinahuli ang nasabing dayuhan.

Isinailalim ang sus­pek sa inquest proceed­ings sa Pasay Pro­secutor’s Office para sa kasong unjust vexation.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …