Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gina Lopez at Nat Geo, nagsanib-puwersa; G Diaries, ipalalabas sa ibang bansa

EMOSYONAL si Gina Lopez sa pagbabahagi ng mga bagong gagawin sa kanyang travel show na G Diaries na nasa Season 3 at mapapanood sa Marso 3. Bukod kasi sa ABS-CBN, makakasama niya ang National Geographic Society (NAT GEO) para ibahagi ang kuwento ng walong komunidad ng I LOVE (Investments in Loving Organizations or Village Economies) na bibigyan ng teknikal at pinansiyal na suporta para sa mga proyektong isusulong nila upang maiangat ang kabuhayan sa kanilang lugar.

Naluluha si Lopez habang ibinabahagi ang mga nagawa ng G Diaries para sa ilang komunidad sa iba’t ibang panig ng bansa.

Inisa-isa rin niya ang mga taong patuloy na tumutulong sa kanilang adbokasiya ng walang bayad.

Ayon sa taga-NAT GEO, ipakikita ang mga kuwentong ito sa buong mundo sa iba-ibang plataporma sa TV at online.

Bale kaisa ang Nat Geo ng G Diaries sa mga “I LOVE” site sa Tublay, Benguet, Bulusan, Sorsogon, Sta Cruz Island, Zamboanga, Polomolok, South Cotabato, Lake Sebu, South Cotabato, Simunul Island at Bongao, Tawi Tawi, Upi, Maguindanao at Maramag, Bukidnon, para tulungang pagyamanin at palawakin ang mga industriyang natural sa kanila tulad ng agro-foresty, fishery, at ecotourism.

Kasabay ng paglulunsad ng ikatlong season ang pirmahan ng Memorandum of Agreement ni Lopez at ni FOX International Channel senior vice president at general manager na si Jude Turcuato para pagtibayin ang pagsasanib-puwersa ng G Diaries at NAT GEO.

Ayon kay Lopez, simula 2017, sinusuportahan ng G Diaries ang adbokasiya ng I LOVE sa pamamagitan ng pagkukuwento ng mga karanasan ng mga komunidad sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapaunlad ng kanilang lugar.

Taong 2018, nanalo ng Best Travel Show ang G Diaries sa 32nd PMPC Star Awards at Most Development-Oriented Environment Program sa UP Gandingan Awards 2018.

Samantala, ganoon na lamang ang katuwaan ni Looez dahil naroon din sa ginanap na presscon ng G Diaries ang mga patuloy na sumusuporta sa kanila tulad nina Prof. Ed Magdaluyo, President ng UP Mountaineers; Atty. Jean De Castro, CEO ng Esca EngineersRobert So, CEO ng EcosystemsVevey Lescano, Operations Manager ng ILOVE Foundation; Regina Lopez, Founder at Chairwoman of ILOVE Foundation; Jude Turcuato, General Manager ng Fox Networks Group Asia Philippines; at Charo Espedido, Head ng Marketing ng Fox Networks Group Asia Philippines.

Sumuporta rin sina CheChe Jardeleza, Head ng Production of Fox NGA Ph; Marisol Prieto, Marketing Manager, FOX NGA Ph; Bricks Agcopra, SPVTop International; Archie Miclat, SPVTop International; at Anton Mendoza, SPVTop International.

Panoorin ang G Diaries Season 3 sa ABS-CBN tuwing Linggo simula March 3 ng 10:00 am.. Mapapanood din ito sa TV sa ANC, the ABS-CBN News Channel at sa METRO Channel.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …