Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino

Good health, wish ng followers ni Kris

HABANG tinitipa namin ang balitang ito ay walang bagong post sa IG account niya ang birthday girl na si Kris Aquino na nagdiwang ng kaarawan kahapon.

Nitong Pebrero 11 nang gabi ay inasalto na si Kris ng ilang taong malapit sa kanya at sinorpresa siya ng napakaraming lobo sa buong kabahayan na iba’t ibang kulay at iba’ibang hugis tulad ng paborito niyang hugis puso.

Edad 48 na si Kris at kasalukuyang nasa Japan sila na tinawag niyang ‘happy place’ na mag-iina.

Kasamang lumipad ni Kris ang bunsong anak na si Bimby kasama ang KCA chief of staff niyang si Alvin Gagui at Bincai Luntayao thru Nippon Airways. Ang kasama naman ng panganay niyang si Josh ay si Rochelle Oharro via Delta airline at ang KCA staff na si Jack Salvador, make up artist at stylish na sina Jonathan Velasco, RB Changco sa Philippine Air Lines naman.

Bago umalis ang grupo ay nag-post si Kris ng litrato ng ibinigay na birthday gift ng kanyang Ate Pinky na may caption na, “I know I flooded your timeline BUT before GOOD NIGHT I had to share my sisters say it’s hard to give me gifts. My sister Pinky, found a roaming gadget my boys & will be able to use often.

“She handmade my BIRTHDAY card and her message meant the world to me. (FYI, she’s traveling w/ my Ate so my gift was sent early, because we leave on Tuesday to have a relaxing birthday in my favorite city.) #loved.”

Anyway, iisa ang wish ng social media followers ni Kris, “Good health and peace for the whole family.”

Sabi ni @adel.velasco, “Happiest birthday Ms. Kris. May you always have a positive, godly outlook in life. Only those who will risk going too far can possibly find out how far they can go…and that’s YOU. Be strong in the Lord!”

Pagbati naman ni @mirriamjamero, “Happiest birthday Ms @krisaquino. Good health to you and your family. God bless you. Thank you for making me always inspire of everything you do and say. (Positive mind.”

Mula sa pahayagang HATAW, bibabati namin ng maligayang kaarawan ang nag-iisang Kris Aquino.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …