Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dapithapon ni Direk Catu, wagi sa Festival Int’l des Cinemas d’Asie de Vesoul

BINABATI namin si Direk Carlo Catu dahil ang pelikula niyang Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon o Waiting for Sunset ay napiling Audience Choice awardee sa ginanap na Festival International des Cinemas d’Asie de Vesoul sa France. Kabilang din ang pelikulang African Violet mula sa bansang Iran.

Base sa post ni Direk Carlo, “Thank you to all who watched and voted our film to be this year’s Festival International des Cinemas d’Asie de Vesoul Audience Choice Award together with my personal favorite, African Violet. Your warmness fill my heart very much! #waitingforsunset #kungpaanohinihintayangdapithapon Cinemalaya Cineko Prod#cleverminds CMB Film Services, Inc.

Solong bumiyahe si Direk Carlo patungong Paris para daluhan ang nasabing festival na naimbitahan siya bilang direktor ng Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon at sinuportahan siya ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson, Liza Diño para sa kanyang plane tickets at accommodation at ng bagong management company nitong IdeaFirst nina Direk Jun Robles Lana at Perci M. Intalan.

Tanda namin nang huling makatsikahan si Direk Carlo sa Diana Stalder, masaya niyang ikinukuwento na paalis siya at ito na ‘yung matagal niyang hinihintay dahil gusto niyang iikot sa lahat ng festival sa ibang bansa ang pelikulang Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon na siya mismo ang sumulat at nagdirehe.

Isinali ito ni Direk Carlo sa 2018 Cinemalaya at napanalunan nito ang limang award kabilang na ang Best Film. Ang nasabing pelikula ay produced ng Cineko Productions.

Kung tama kami, dalawang linggong mawawala ang batang direktor dahil tutuloy pa siya sa Portugal para ulit sa isa pang film festival.

Balita ring gagawa siya ng project sa Dreamscape Digital dahil nakita naming nag-post siya ng litrato kasama ang Business unit head na si Deo T. Endrinal kasama si FDCP Chairperson Liza.

Tiyak na maraming kuwento si Direk Carlo pagdating niya kaya aabangan namin lahat ‘yan.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …