UMAPELA ang Malacañang sa mga kandidato na sumunod sa itinatakda ng batas na may kaugnayan sa eleksiyon.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sana’y tumalima ang mga tumatakbo ngayong eleskiyon sa ipinaiiral na election laws sa bansa.
Nais matiyak ng pamahalaan na ang papalapit na halalan sa Mayo ay maging malinis, may kredibilidad at isang honest election.
Kaugnay nito, una nang nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) na bawal ipaskil ang mga election propaganda na nakakabit sa labas ng mga common poster area, mga pampublikong lugar, at ang mga nasa pribadong lugar na walang pahintulot ng may-ari ng lugar o espasyo.
Hindi rin maaring kabitan ng campaign material ang mga tulay, public building, poste ng koryente, mga puno, kable, eskuwelahan at iba pa.
(ROSE NOVENARIO)