Saturday , November 16 2024

Broadcast journalist, senado tinarget (Para sa proteksiyon ng mga mamamahayag)

“‘WAG kalimutan ang Ampa­tuan massacre, ide­pensa ang media laban (mula) sa pagpatay.”

Ito ang inihayag ng batikang broadcast jour­nalist at tumatakbo sa pagka-senador na si Jiggy Manicad sa pagsisimula ng opisyal na kampanya upang pangala­gaan ang kaligtasan ng mga mamamahayag lalo na’t sariwa pa ang alaala ng mga kaso ng election-related violence tulad ng Ampatuan massacre.

“I will never forget the day I was asked by DZRH reporter Henry Araneta to cover the filing of candidacy in Maguindanao and instead had to report on the mas­sacre.

“Bilang reporter, naiyak ako na ang aking mga kapwa media ay pinatay nang wa­lang awa dahil sa parating na election noon,” kuwento ni Manicad sa isang pana­yam.

Isa si Araneta  sa mga pinatay sa nasabing mas­sacre sa Maguindanao noong 2009. Sa kabuuuan, mahigit 50 sibilyan ang pinatay, kabilang ang 32 mamamahayag.

Ayon kay Manicad, nakaa­alarma na hindi pa rin nalulutas ang kaso.

“Nakalulungkot na hang­gang ngayon, wala pa rin resolusyon sa kaso ng mga Ampatuan, at hanggang ngayon, marami pa rin pina­patay at sinasaktan na mga mamamahayag,” dug­tong ni Manicad.

Sa kasalukuyang admi­nistrasyon, nasa 12 mi­yem­bro ng media ang napatay mula noong Hulyo 2016 hanggang Oktubre 2018 base sa datos ng Center for Media Freedom and Respon­sibility (CMFR).

Nanawagan si Manicad sa Philippine National Police (PNP) at mga lokal na pamahalaan na pangala­gaan ang kaligtasan ng mga mamamahayag na ngayo’y mag-uulat ukol sa kampanya at darating na halalan sa bawat dako ng bansa.

“We are not only looking at politicians but also busi­nesses and other groups who will stop at nothing to protect their reputation or interests this elections,” ani Manicad.

Aniya, nagsilbing “wake-up call” ang Ampa­tuan mas­sacre dahil ito ang nag-udyok sa kanya upang isulong ang pagpapalawig ng mga batas na pumo­protekta sa mga mama­mahayag at sibilyan lalo sa mga oras ng krisis at sakuna.

“This is one of the reasons why I knew I had to aspire for a higher level of public service. ‘Yung Ampatuan massacre, ‘yung Yolanda, ‘yung Ondoy and all these incidents and disasters I had to confront face to face before, there are laws that could be made to make sure we are protecting people against these,” dagdag ng broad­cast journalist.

Sa naunang panayam, sinabi ni Manicad, kabilang sa mga plataporma niya sa kanyang kampanya ang pagdepensa sa labor rights ng media, pagpapalakas at pagpapabilis ng responde sa mga sakuna at giyera, at pagsulong ng karagdagang pondo para sa agrikultura at sapat na pagkain.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *