Monday , December 23 2024

Undesirable aliens walang puwang sa PH

MAY paglalagyan ang mga dayuhan sa bansa kapag hindi sumunod sa mga itinatakdang batas sa Filipinas.

Pahayag ito ng Pala­syo matapos ang viral scene sa social media na pagsasaboy ng taho ng Chinese student na si Jiale Zhang sa isang pulis sa MRT Boni station sa Mandaluyong City nitong pagtatapos ng linggo.

Umapela ang Palasyo sa publiko na huwag nang palakihin pa ang kaso ni Zhang dahil isolated case lamang ito. Inihahambing ng oposisyon ang insi­dente sa relasyon ng Filipinas at China.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Pa­ne­lo, sinampahan na ng kaso ang dayuhan at na­ha­harap sa posibleng deportasyon.

Pinatatahimik din ng Palasyo si Vice President Leni Robredo na una nang naalarma sa ginawa ni Jiale.

Ayon kay Robredo, wake up call daw kasi ito kung paano tinatrato ng administrasyon ang mga Chinese.

Ayon kay Panelo, mas makabubuting itigil na ni Robredo ang pagpa­paka­lat ng mga maling espe­kulaslyon at tigilan na ang pag uudyok sa pu­bliko.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *