Saturday , November 16 2024
gun shot

Laborer binoga sa Taguig

ISANG 39-anyos na construction worker ang sugatan nang barilin ng isa sa dalawang suspek na nakasuot ng bonnet mask sa Taguig City, nitong Linggo ng  gabi.

Ginamot sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Abdul Adil, may asawa, tubong Maguindanao, residente sa Barangay Maharlika Village, Taguig City, sanhi ng tama ng bala sa tiyan at kaliwang braso mula sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang gunman.

Base sa ulat ng Southern Police District (SPD), naganap ang pamamaril sa outpost ng Barangay Security Force na matatagpuan sa 42 Mindanao Avenue panulukan ng Rogan St., Maharlika Village sa nasabing lungsod, dakong 7:56 pm.

Sa inisyal na imbestigasyon nina SPO3 Cornelio Diones at PO3 Morced Lagensay ng Taguig City Police, nakaupo ang biktima sa barangay outpost nang lapitan ng isa sa dalawang suspek na nakasuot ng bonnet mask saka binaril ang biktima.

Tumakas ang dalawang suspek sa hindi matukoy na direksiyon dala ang baril na ginamit sa pamamaril.

Dinala ng mga tanod ang biktima sa naturang pagamutan para lapatan ng lunas.

Nagsasagawa ng follow-up operation ang mga pulis at sinisiyasat ang motibo sa insidente. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *