Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rhyme ‘Happy’ Enriguez, tagumpay sa paglulunsad ng Happy Hugs for Love and Respect

DINUMOG ng mga estudyante mula Marikina City ang isinagawang film showing ukol sa HIV at ang paglulunsad ng Happy Hugs for Love and Respect kasabay ang selebrasyon ng National Arts Month at Month of Love.

Nagtipon-tipon ang mga taga-Marikina para makabuo ng isang One Big Group Hug para sa Happy Hugs for Love and Respect na ang layunin ay makapag-raise ang awareness at ma-encourage ang family at community na suportahan ang mga indibidwal na mayroong HIV, mental health challenges, at mga nangangailangan ng yakap at nagnanais ibahagi ang happy warm hug.

Ang film showing na may titulong Ang Timeline Sa buhay ni B na pinagbibidahan nina LotLot de Leon at Cogie Domingo ay proyekto ng LGBTQIA Marikina (District 2) at prodyus ng The LoveLife Project for Health and Environment, Inc.na sinuportahan ni Rhyme ‘Happy’ Enriquez, isang matagumpay na  entrepreneur mula Marikina City na tatakbong Councilor ng District 2 ng Marikina.

Ayon kay Direk Crisaldo Pablo, hindi sila nahirapang kumbinsihin si Enriquezna suportahan ang kanilang HIV event dahil alam nitong para iyon sa magandang layunin para sa mga kabataan ng Marikina.

Napag-alaman naming hindi pa man tumatakbong konsehal si Enriquez, aktibo na ito sa pagtulong tulad ng Tourism and livelihood projects para sa mga taga-Marikina City.

Ani Enriquez, nais niyang ipagpatuloy ang mga ganitong aktibidades at ibang kapaki-pakinabang na proyektong pang-komunidad, sa isang mas malaking scale—na magagawa lamang niya kung mayroon siyang ‘boses’ sa municipality, na magagawa niya kapag na-elect siya bilang  Councilor.

Sinusuportahan si Enriquez ni Cong. Eugene De Vera, dating Congressman ng ABS Partylist, na tumatakbo ngayonb ilang kongresista ng District 2 ng Marikina City. Naroon din ng tanghaling iyon si Korina Sanchez para sa Happy Hugs.

Ayon kay Direk Cris, nag-interbyu siya ng mga international at local organization tulad ng UNAIDS Philippines, UNICEF Philippines, DOH, at iba pa. Nag-interbyu rin siya ng mga personalidad na may HIV.

Ang Happy Hugs for Love and Respect ay nagawa naman sa pakikipagtulungan ng LGBT-Bus, Marikina City, Uandrea Tours, DOH Center for Health and Development, National Commission for Culture and the Arts, National Youth Commission, YAEHA Channel at iba pang sektor ng Marikina City.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …