Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Elise nina Enchong at Janine, hugot film

NAALIW kami sa maraming eksena ng pelikulang Elise na pinagbibidahan nina Enchong Dee at Janine Gutierrez at idinirehe ni Joel Ferrer.

Isa kami sa nakapanood ng special screening ng Elise na ginawa sa Wild Sounds sa Sampaguita Studio kamakailan at kakaiba ngang lovestory ang pelikula.

Ukol sa moving-on ang pelikula na ayon kay Direk Ferrer, matagal na niyang naisulat. Base rin sa real-life events ang Elise na ang istorya ay ukol sa childhood friends na sina Bert (Enchong) at Elise (Janine). Bata pa man ay may gusto na si Bert kay Elise at hanggang sa magbinata at magdala naroon pa rin ang pagmamahal ng binata sa dalaga.

Samantala, naman kataka-takang may pagka-comedy ang Elise dahil ang mga naunang ginawa pala ni Direk Joel ay puro comedy films tulad ng Baka Siguro Yata at Woke Up Like This.

Aminado si Direk Joel na hugot film ang Elise dahil, “noong isinulat ko ito, in-love na in-love ako tapos feeling ko kailangan kong mag-move on. Sabi ko sa sarili ko, paano ako makaka-move on hindi naman ako gumagawa ng diary, kaya to let it go, I’m starting to write the storyline, so noong ginawa ko ito alam ko na ang ending.”

Pagtatapat pa ni Direk Joel,”Ito ‘yung pinaka-attach ako na film kasi malapit sa puso ko, sabi ko nga sobrang in love ako noong sulatin ko ito.” 

Sa kabilang banda, bagay na bagay naman sina Enchong at Janine kaya panalo ang chemistry ng dalawa.

Mapapanood ang Elise sa Pebrero 6, Chinese New Year presentation ng Regal Entertainment.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …