DESMAYADO si Pangulong Rodrigo Duterte sa kabagalan ng mga mambabatas na maipasa ang 2019 national budget.
Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea, malaki ang magiging epekto nito para maantala ang mga proyektong pang impraestruktura ng administrasyong Duterte.
Umaasa pa rin aniya ang Palasyo na gagawin ng mga mambabatas ang kanilang constitutional duties at maihabol na maipasa ang 2019 budget bago matapos ang sesyon ng Kongreso ngayong linggo.
Iginiit ni Medialdea na walang pagkukulang si Pangulong Duterte dahil maagap niyang naipasa sa Kongreso katuwang ang kaniyang economic team ang panukalang pambansang budget isang araw matapos ang kaniyang SONA noong Hulyo 2018.
ni ROSE NOVENARIO