KAISA si Pangulong Rodrigo Duterte ng Filipino-Chinese community sa pagdiriwang ng lunar new year.
Sa kaniyang mensahe, sinabi ng pangulo ang pagkakaibigan at kooperasyon na naselyohan sa pagitan ng Filipinas at China ay hindi lamang nagdulot ng malaking kaginhawaan at paglago ng ekonomiya para sa parehong bansa, kundi nagbigay din ng pagkakataon para mapangalagaan ang kakaibang kultura ng bawat isa.
Hangad ni Pangulong Duterte na ang bagong taon na ito ay magdala ng panibagong pag-asa, inspirasyon at mas marami pang achievements para sa Filipino-Chinese community at ng buong bayan.
Ayon sa Pangulo, sa pagtutulungan ng dalawang bansa ay mapabubuti pa ang values, ideals nito para sa kapayapaan at pagkakaunawaan sa gitna ng mga hamon sa hinaharap.
(ROSE NOVENARIO)