HINDI klaro ang paliwanag ni House Majority Leader at Capiz congressman Fredenil Castro na mas madaling makaa-access ang publiko sa SALN ng mga mambabatas sa pinagtibay na House Resolution 2467.
Ito ay ang pangangailangang maaprobahan muna ng mayorya sa plenary session nang higit 200 kongresista ang isang kahilingang maisapubliko ang SALN ng isang mambabatas.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hindi niya alam kung paano iintindihin ang lohika ni Castro sa ilalim ng bagong panuntunan sa pagkuha ng statement of assets and liabilities ng isang partikular na miyembro ng Kamara.
“Burden” pa nga ito para kay Panelo gayong napakarami pang daraanan na mga kongresista para makuha ng isang requesting party ang approval nila at sa huli’y makuha ang hinihiling na SALN.
Hiling ni Panelo, sana’y muling dumaan ito sa deliberasyon dahil kung hindi, baka lalo pang dumami ang mga tanong na umusbong.
(ROSE NOVENARIO)