ISASAILALIM na sa Games and Amusement Board ang larong sabong at iba pang electronic betting games.
Inaasahang aaprobahan ito ng Kamara sa pangatlo at huling pagbasa bago mag-adjourn sa linggong ito.
Kasama sa mga awtor ng bill ang napatay na si Ako Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe at Abra Rep. Joseph Sto. Niño Bernos.
Sa kasalukuyan, ang pangasiwaan ng GAB, na pinamumunuan ni dating Palawan governor at congressman Baham Mitra, ay sumasaklaw sa professional sports at pagtaya sa karera ng kabayo.
Ayo kay Mitra pinalawak ng panukala ang kapangyarihan ng GAB na may kaugnayan sa professional sports sa makabagong teknolohiya.
Kasama sa panukala ang pagbibigay ng mandato sa GAB na gumawa ng “uniform rules and regulations” para sa lahat ng sabungan sa buong bansa. (GERRY BALDO)