MATAPOS burahin sa curriculum ng kolehiyo ang Reserve Officers Training Corps (ROTC) dahil sa mga katiwalian at karahasan na naganap, ibabalik itong muli ng Kamara at inaasahang iaaprub bago mag-adjourn sa 7 Pebrero 2019.
Ang ibabalik na ROTC ay ipapatupad sa Grades 11 at 12 o sa senior high school.
Ayon kay Batangas Rep. Raneo Abu, isa sa mga awtor nito, kailangan nang iaprub ng Kamara ang panukalang itinutulak ng pangulo.
“We hope to pass the measure this week before we go on break,” ani Abu.
“The approval of the substitute bill was prioritized by the leadership of former President and Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, as the mandatory ROTC bill was classified as a priority bill of President Rodrigo Roa Duterte,” paliwanag ni Abu.
Saklaw ng panukala ang pagsasagawa ng basic military at civic training para sa lahat ng estudyante sa loob nang dalawang taon.
Ayon sa nga awtor ng panukala, ang ROTC ay gagawin para “i-motivate, train, organize and utilize for national defense preparedness or civil-military operations.”
Sa panig ni Akbayan Rep. Tom Villarin, ang pagbuhay ng ROTC ay isang “empty act of patriotism” habang ang mga lider ng bansa ay taas-kamay sa panghihimasok ng mga dayuhan.
Ginawang optional ang ROTC noong 2002 matapos mamatay ang isang estudyante sa University of Sto. Tomas (UST) na nagsiwalat ng katiwalian sa pondo at sa mga nangangasiwa nito.
(GERRY BALDO)