Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sabado Night ni Ina, ipapasa sa panganay na anak

SUMASANG-AYON kami kay Ina Raymundo na napakagandang tingnan kung magsasama silang mag-ina sa SMB commercial. Ang tinutukoy niya ay iyong Sabado Night commercial niya na ginawa noong dekada ’90.

Sa pakikipag-kuwentuhan namin kay Ina sa Spring Films: Film makers night sa UP Cine Adarna na isa ang pelikulang Kuya Wes na pinagbibidahan nila ni Ogie Alcasid sa itatampok, naikuwento nito ang ukol sa kanyang panganay na si Erika. Nabanggit kasi ni Rey Pumaloy kung gaano rin kaseksi ang anak niyang 17 year old.

Ani Ina, okey lang sa kanya ang pagpapa-sexy nito kapag nasa tamang edad na. ”May pangarap nga ako na parang nakikinita ko na when she’s in the right age ‘yung Sabado Night na commercial, it’s so nice to pass it to her.

“Gusto rin naman kasi niya. Ang parang mangyayari eh, andoon kami sa isang bar tapos parang papasok siya tapos nagmi-meet kami as mother and daughter. It was such a day dream. At isa talaga ‘yun sa dream ko na sana mangyari. Gusto kong mailipat sa kanya ang title na ‘yun, Sabado Night.”

Kuwento pa ni Ina, mahilig kumanta ang anak niya at super proud ito nang unang makita ang commercial niyang Sabado Night. ”Bata pa siya noon, and I told her na day dream ko ‘yun na kapag nasa tamang edad na siya gusto kong gawin niya. And sabi naman niya, gusto niya rin.”

Sinabi pa ni Ina na may interes ding pumasok sa showbiz ang kanyang panganay na anak na si Erika.”Ang attitude niya is exactly like me. Parang siya ang nakikita ko na very millennial. She’s such a feminist.”

At kahit ang asawa niya’y okey lang na pumasok ang anak niya sa showbiz.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …