ISA kami sa nagtaka kung bakit hindi naimpluwensiyahan ni Direk Chito Roño ang senatorial bet na si Dan Roleda, abogado at dating Manila Councilor at ngayo’y kongresista na maging director o artista. Bagkus, mas naimpluwensiyahan siya ng ama ni Roño na maging politiko.
Magkababata sila ni Chito at laging kasa-kasama sa tuwing gumagawa ng pelikula ang premyadong direktor. ”Fan talaga ako ni Chito at lahat ng pelikula niya gusto ko. Pero ang pinakagusto ko ay ‘yung Signal Rock. Pero we had the best horror movie,” sambit ni Roleda na nagpasa ng Amended Amusement Tax Law noong 1995 nang Manila Councilor at presidente siya ng Philippine Councilors League.
Kaya hindi kataka-taka kung concerned si Roleda sa film distribution. Alam kasi niya na maraming pera ang nawawala sa mga movie producer kapag inaalis ng mga theater chain ang kanilang pelikula isa o dalawang araw ng pagpapalabas niyon.
Kaya naman nais niyang magbuo ng special governing power na tutulong sa producers at workers sa entertainment industry. Alam kasi niyang maraming workers ang freelance at ‘di nabibigyan ng tamang benepisyo tulad ng health care at insurance at iba pa.
Giit ni Roleda, lahat tayo’y nagnanais ng magandang buhay. ”We work because we want to upgrade our way of life. We dream of better lives for our children,” Kaya ang hashtag ng tumatakbong senador ng UNA, #betterthanthat.
“Magpo-focus talaga ako sa basic needs ng tao—livelihood, food, at shelter. Noon ko pa ‘yan advocacy. These are little pero big things ‘yan sa lahat. At gusto kong ipagpatuloy ito. Hindi ko nga tinatanggap ang salary ko noong konsehal, cabinet, kongresista. Ibinibigay ko sa foundation every pay day sila ang kumokolekta at ibinigay ko ‘yan sa mga tao.”
Samantala, natanong namin siya kung bakit hindi nag-produce ng pelikula gayung magkaibigan sila ni Direk Chito. Sagot niya, ”Gusto kong gawin ‘yung ‘Writ of Balangiga’. Sabi namin ni Chito bago kami mawala dapat magawa namin ‘yan. Kasi it’s about Samar. Although may sensitivity, whether it’s relevant or not. But it has to be told. Kompleto na nga script niyon pati talent, lahat. How it started ang tatalakayin. Pero siguro the script needs to be revise kasi nga naisauli na.”
Sinabi pa ni Roleda na matagal na dapat nasimulan ang ukol sa Balangiga. ”May nakausap na nga kaming producers para riyan. Gusto kasi ni Chito, P50-M project, pero I want it triple to make it really…Kasi gusto ni Chito na maging masterpiece ito.
“Tinutulungan ko si Chito na maghanap ng producer para sa pelikulang ito. It will be our signature movie for Samar. Kasi maganda dahil it is about us,” sambit pa ni Atty. Roleda.
At bago matapos ang aming tsikahan, nabanggit ni Roleda na he loves to act. Hindi lamang siya naisasama ni Direk Chito sa mga pelikula nito. ”Sinasabi ko sa kanya, ang sagot niya sa akin, naku ‘wag ka na nga (artista).’ Pero he promise me na in one of his movie, isasama niya ako.”
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio