Friday , December 27 2024

Zero gravity fight scene, ipakikita ni Jackie Chan sa The Knights of Shadows

PANGATLONG pelikula na ni Jackie Chan na ire-release ng Star Cinema ang, The Knights of Shadows: Betweem Yin and Yang na ipalalabas na sa Pebrero 6 sa mga sinehan.

Ayon kay Enrico Santos, VP, Head ng International Acquisitions ng Star Cinema sa ginawang media briefing, puwede nilang mapapunta ng ‘Pinas si Jackie kapag nakaipon na sila ng US$300,00 to rent the airplane. Kasi nga naman, nagta-travels lang si Jackie by a private jet without entourage.

“Ayaw kasi niyang bumiyahe kaya private talaga. Iba naman kasi siya. And he is the only Chinese to brake international,” paliwanag ni Enrico.

Ang dalawang unang pelikula ni Jackie na nag-hit at ini-release ng Star Cinema ay ang Chinese Zodiac noong 2012 at ang Kung Fu Yoga noong 2017.

Ang The Knights of Shadow ay isang action-fantasy epic na ginagampanan ni Jackie ang karakter ni singling, isang demon hunter na ipinagtatanggol ang mga tao mula sa inhuman invasion. Nagsimula ito nang pagkikidnapin ang mga village girls para pagpistahan ang kanilang kaluluwa. Nakipagtulungan si Jackie sa isang pulis kay Fei, na ginagampanan ni Austin Lei, at isang grupo ng friendly monsters.

Kasama ni Jackie rito sina Elaine Zhong, Lin Peng, at Ethan Juan at idinirehe ito ni Jia Lu a.k.a. Vash.

Si Vash naman ay nakilala sa kanyang mga pelikulang Batham: Under The Red Hood noong 2010 dahil sa ginawang visual effects at sa 2014 movie na 3D film, Bugs.

Si Kiefer Liu, isa sa pioneer ng 3D sa China at gumawa ng matagumpay na The Monkey King, ang nag-prodyus ng The Knight of Shadows.

Giit pa ni Enrico, “Ito ang pinaka-pambatang pelikula ni Jackie dahil pinaghalong ‘Magic Temple’ at Ramon Revilla agimat fantasy world, magic wand, pumapatay ng demon.

“Nakaiiyak na pagdating ng middle part. Sa first part ‘yun ‘yung pambata, pampamilya, Kung Fu then sa middle part na nag-ala Romeo and Juliet kaya pang-GF-BF din itong pelikulang ito.”

Ang naka-e-excite pa sa pelikulang ito, ani Enrico ay ang fight scene ni Jackie sa zero gravity. “First time itong ginawa ni Jackie Chan. Mga 15-20 mins na fight scene sa zero gravity.

“Alam naman natin na bawal kay Jackie Chan ang double. Tapos iba-iba ang harness na ipinakita na parang ‘yung nakikita natin sa ‘Aquaman’, ‘yung iba-iba ang position.”

Sinabi pa ni Enrico na ang The Knight of Shadows ang sagot ng Asian sa superheroes na hindi kailangan ng kapa para makalipad o ‘yung American super power na super strength.

Tiniyak pa ni Enrico na nakatitiyak siyang maaantig ang puso ng bawat pamilyang manonood ng pelikula ni Jackie.

“Mae-excite rin ang mga bata kasi may iba’t ibang creatures na makikita. Tapos ang galing ng fight scene na nahati ‘yung katawan sa dalawa na parehong nakikipaglaban.

“Tapos may nagsasalita ring baboy. Siguro bilang pang-Chinese New Year offering ito.”

Bago ang regular run sa mga sinehan nito sa February 6, magkakaroon muna ito ng screening na 4D sa February 5 sa ABS-CBN Studio Experience sa 4th floor ng Trinoma. “First time itong ginawa ng ABS-CBN kaya gusto kong ma-experience ninyo ito,” pag-anyaya pa ni Enrico.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *