INATASAN ng Palasyo ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na gumawa ng kaukulang hakbang upang matugunan ang kasalukuyang kakulangan sa Pinoy workers sa construction sites sa ilalim ng government programs.
Ito ang sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo sa gitna ng pahayag ni dating Pangulong Noynoy Aquino na dumaragsa ang mga construction workers na Chinese nationals sa Filipinas.
Sinabi ni Panelo, ang TESDA ang dapat gumawa ng hakbang upang mabigayn ng pagsasanay ang mga kababayan natin para magkaroon ng skills sa larangan ng konstruksiyon.
Marami aniyang mga Filipino ang walang trabaho na maaari sanang ma-empleyo sa construction pero wala namang skills sa nasabing larangan kaya dapat aniya talagang pumasok dito ang ESDA.
Sabi ni Panelo, talagang may problemang kinakaharap ang bansa kung ang pag-uusapan ay bilang ng mga construction workers gayong ang karamihan ay nagsipag-abroad na.
ni ROSE NOVENARIO