Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kontrabando sa BI detention cell kompiskado

NAKOMPISKA ang iba’t ibang uri ng kontrabando mula sa detention cell  ng Bureau of Immigration (BI) sa Camp Bagong Diwa, Taguig City  matapos ang sorpresang inspeksiyon ng mga awtoridad kamakalawa ng hapon.

Pinangunahan ni Atty. Jesselito Castro, ng Intelligence at Regional Special Operation Unit ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang naturang inspeksiyon.

Nakuha sa detention cell ng mga banyaga ang samot- saring kontrabando tulad ng mga cellphone, portable air con­dition units, port­able wi-fi,  mga bakal na gunting, laptops, DVD players, deck of cards, at lighters.

Dahil sa mga balitang kanilang natatanggap agad silang nagsagawa ng sorpresang  raid sa detention cell na malayang nakagagamit ang mga dayuhang inmates ng mga gadgets, na mahigpit na ipinagbabawal sa loob.

Nasa 236 dayuhan ang nakapiit sa BI detention cell habang inihahanda  ang deportation laban sa kanila. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …