TINIYAK ni Joyce Peñas Pilarsky na maaaliw ang manonood sa kanilang pelikulang Ang Sikreto ng Piso na isang family-oriented comedy film mula MPJ Entertainment Productions at JPP Dreamworld Productions, directed by Perry Escaño.
Tampok dito ang real life couple na sina Ariel Rivera at Gelli de Belen na gaganap bilang mag-asawa rin sa pelikulang ito na showing na sa January 30.
Inusisa namin si Ms. Joyce na siyang executive producer ng pelikula, kung paano niya ide-describe ang pelikula? “Ipinapangako po namin na tatawa kayo sa pelikulang ito, ginawa namin ito para kayo tumawa nang tumawa. It’s for the whole family to enjoy the day together, para mag-enjoy naman sila, makalimutan ang problema, at maging masaya. Kasi, kailangan ‘yun para sa health natin, e.”
Kontrabida ba siya rito? “Oo, ako rito ay kontrabida, first time ito,” matipid na saad niya.
Nanibago ba siya sa ganitong role? “Okay lang, challenge hindi, ba? Nag-enjoy ako, maganda palang gumawa rin ng comedy, tapos maganda rin maging kontrabida, hindi laging mabait ka kasi kailangan ko silang awayin e, kasi di ba inaapi kami?” Nakangiting saad ni Ms. Joyce na isa rin beauty queen, model, at fashion and jewellery designer.
Dagdag niya, “Bale ang kaaway namin dito ay sina Gelli, kinukuha kasi nila ‘yung mga customer namin, e. Nag-aaway kami kasi nag-aagawan kami sa customers. Hahaha!”
Ang “Ang Sikreto Ng Piso” na may PG-rating ay magkakaroon ng premiere night sa January 27 (Sunday), 7:00 pm sa SM Megamall Cinema 7. Mayroon din itong Meet and Greet sa opening day sa January 30-1pm sa SM North Edsa, 4pm sa SM Manila, 7:00 pm at 9:30 pm sa SM Mall of Asia. Tampok din sa pelikula sina Bea Binene, Angelica Ulip, Lou Veloso, Long Mejia, Ricky Rivero, Beverly Salviejo, Wacky Kiray, Ernie Garcia, Raphael Robes, Amberlicious, at iba pa.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio