Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Enchong at Janine, ‘di na nagkapaan, nagkailangan

SECOND time magka­katrabaho sina Enchong Dee at Janine Gutierrez sa pelikulang handog ng Regal Entertainment, Inc., ang Elise, na pinamahalaan ni Joel Ferrer at mapapanood na sa February 6.

Ayon kay Enchong, naa-appreciate niya ang makipagtrabaho sa mga taong pareho ng kanyang values. “Janine is very easy and fun to be with specially off cam. Kapag napanood ninyo ang gaan magkasama, kasi ganoon din ang kuwento at chemistry as friends.

“It was a breeze actually, at nai-post ko nga, sinabi ko na ‘ito na yata ang pinakamadaling pelikulang nagawa ko.’ Kasi ang daling kasama ni Janine, si Direk sobrang chill, sobrang malapit sa puso niya ‘yung kuwento, kasi siya rin ang nagsulat ng kuwento ng ‘Elise’ eh.

“This movie is so perfect specially for a pre Valentine movie,” sambit ng actor.

“Sobrang happy ako to work with Enchong kasi nga nagkatrabaho na kami rati pero ang ginawa naming before horror, madugo, so this time love story na I think lahat ng tao makaka-relate kasi tungkol siya sa first love. At lahat naman ng tao may first love at ang sabi nga ang first love hindi mo makakalimutan,” paliwanag naman ng magandang aktres.

“Happy lang talaga, Enchong and I known each other off cam and we work before kaya wala nang ilang, wala ng kapaan. Madali na para sa akin na makatrabaho talaga siya,” saad pa ni Janine.

Ayon naman sa director nitong si Ferrer, base sa real-life events ang Elise. “It is a biopic romantic comedy that depicts events in the life of Bert (Enchong), who is quick-witted but sickly emotional and independent guy, who alls for Elise (Janine), who is a strong, tough, independent woman.”

Giit pa ng director ng Elise, hindi love story ang kanilang pelikula. “It’s a long journey from start to finish. This is a story of finding your purpose in life. We start from naging sila na bata, ganyan.

“It talks about love, moving on, loving again, chasing and finding your dream and your values.”

Kasama rin sa Elise sina Mike Raval, at introducing sina Victor Anastacio, Miel Espinosa, at Laura Lehman.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …