Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Born Beautiful, bongga ang word of mouth — Direk Perci

NAKATUTUWA si Direk Perci Intalan nang amining kinakabahan siya bago pa man simulan ang special uncensored version screening ng Born Beautiful na pinagbibidahan ni Martin del Rosario noong Jan. 18 sa UP Cine Adarna.

Pero masaya siya sa turn over ng screening dahil talaga namang pinilahan iyon ng mga gustong unang makapanood. At pagkatapos ng screening, matunog na palakpakan at masayang pagbati ang natanggap ng magaling na director.

Marami rin ang pumuri sa ganda at nakatutuwang paglalahad ng Born Beautiful. Wala ring itulak kabigin sa mga artistang nagsiganap dahil lahat sila’y magagaling mula kay Martin hanggang sa mga kasamahan nitong sina Chai Fonacier, Akihiro Blanco, Kiko Matos, Lou Veloso at iba pa.  

Paborito naming eksena iyong nag-transfor bilang Blessed Virgin Mary si Paolo Ballesteros dahil kamukhang-kamukha talaga niya at napakaganda. Wala ring puknat ang ginawa naming pagtawa sa pelikulang ito dahil talaga namang maraming eksena na nakatutuwa.

Kung gusto ninyo ng pelikulang magpapasaya sa inyo, panoorin ninyo ito dahil hanggang sa simula hanggang katapusan, tiyak nakangiti kayo.

Samantala, masaya naman si Direk Perci sa nabigyan ng R-16 at R-18 rating ang Born Beautiful bukod sa ipinalalabas ito sa 169 cinemas nationwide.

Ayon kay Direk Perci, malakas ang Born Beautiful pagsapit ng gabi dahil R-16 at R-18 ang kanilang pelikula. “Mukhang papalakas pa kasi bongga ang word of mouth!” sambit nito sa amin nang kumustahin ang resulta sa box office.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …